^

Probinsiya

Battery pack sumabog: Mag-asawa, anak sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ginulantang ng malakas na pagsabog ang tahanan ng isang pamilya na malubhang ikinasugat ng mag-asawa at anak na 4-anyos na batang babae sa naganap na insidente sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa.

Isinugod sa Jane County Hospital ang mga biktimang sina Armando Velasco, 39; misis nitong si Marife Velasco, 39; at si Julie Anne Velasco na pawang nakatira sa Sitio Villarica sa Barangay Daungan.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-4:45 ng hapon nang mangyari ang pagsabog sa loob mismo ng tahanan ng pamilya Velasco.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inaayos ni Marife ang mga junk material na ibebenta nito sa junkshop gamit ang martilyo nang bigla na lamang sumabog ang isa sa mga pinupukpok nitong battery pack material.

Nagkataon namang ka­tabi ng misis ang kaniyang mag-ama kaya pawang nasugatan ang mag-anak sa insidente.

vuukle comment

ARMANDO VELASCO

BARANGAY DAUNGAN

BATAY

CAMP CRAME

GINULANTANG

ISINUGOD

JANE COUNTY HOSPITAL

JULIE ANNE VELASCO

MARIFE VELASCO

SITIO VILLARICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with