^

Probinsiya

Barangay tanod pinabulagta

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines  – Pinagtulungang tagain hanggang sa mapatay ang 46-anyos na barangay tanod ng dalawang lalaki sa panibagong karahasang naganap na Sitio Magaras, Barangay Colasi sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Renato Busminte ng Purok 3 sa Barangay Hamoraon habang sugatan naman ang kasamahan na si Alex Aquinde, 37.Tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Jerwin Bacerdo, 30; at Junelyn Rodriguez, 30, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ang mga biktima na lulan ng motorsiklo ay hinarang ng dalawang suspek sa kurbadang kalsada. Sa ulat ni P/Chief Insp. Allan Docyogen, sinasabing nagalit ang mga suspek dahil sa pagkakaaresto sa kanila ng mga biktima sa sayawan matapos manggulo.

vuukle comment

ALEX AQUINDE

ALLAN DOCYOGEN

BARANGAY COLASI

BARANGAY HAMORAON

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

JERWIN BACERDO

JUNELYN RODRIGUEZ

RENATO BUSMINTE

SITIO MAGARAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with