^

Probinsiya

P1M asukal hinaydyak ng 2 'pulis'

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng asukal na lulan ng trak ang hinaydyak ng dalawang kalalakihan na nagpakilalang pulis sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagpapahinga ang driver na si Maximo Serwit Jr. at kasamang pahinanteng si Noel Gacutan mula sa biyahe sa Port Area, Manila nang lapitan ng dalawang lalaki na nagpakilalang pulis. Walang nagawa sina Serwit at Gacutan matapos tutukan ng baril kung saan inutusan sila na dalhin ang 10-wheeler truck (NNS 255) na kargado ng asukal na dalhin sa bahagi ng Barangay Tabe sa bayan ng Guiguinto. Inabando sina Serwit at Gacutan sa nabanggit na bayan habang ang kargamento naman ay tinangay ng mga hijacker.

BARANGAY TABE

BULACAN

GACUTAN

GUIGUINTO

INABANDO

MAXIMO SERWIT JR.

NOEL GACUTAN

PORT AREA

PULILAN

SERWIT

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with