^

Probinsiya

Kinidnap na magpinsan natagpuan

- Ni Boy Cruz -

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines  – Ilang araw matapos na dukutin ng hindi pa nakikilalang mga suspek, nakapiling nang kanilang pamilya ang isang magpinsan matapos na matagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa barangay sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Halos lumundag ang puso sa sobrang katuwaan ng mga magulang ng mga biktimang sina Amber Janine Carpio-Balbar, 3 anyos, anak ni Alma Carpio, 28 at Angeline Carpio, 4-anyos anak ni Fran­ces Carpio, 26 pawang mga residente ng Saint Francis Subdivision, Brgy. Pandayan sa siyudad na ito . 

Base sa ulat ni P/Supt.Hector Samar dakong alas 7:30 ng gabi ay tumawag sa kaniyang tanggapan ang Pulilan PNP hinggil sa na­tagpuang dalawang bata na namataang pagala-gala sa Brgy. Dampol 1st at Cut-cot na sakop ng bayang ito at dahil sa walang nakakakilala sa mga bata ay pansamantala itong kinalinga nina PO2 Lie Rosalando at Day Care Teacher Vivian Ra­cines ng lokal na DSWD.

Dahil sa impormasyong natanggap ay agad na nagpunta ang police sa mga magulang ng mga biktima sa Pulilan at natagpuan ang mga bata na dinukot noong sabado.

ALMA CARPIO

AMBER JANINE CARPIO-BALBAR

ANGELINE CARPIO

BRGY

BULACAN

DAY CARE TEACHER VIVIAN RA

HECTOR SAMAR

LIE ROSALANDO

PULILAN

SAINT FRANCIS SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with