^

Probinsiya

P.6-M pabuya inilaan sa vice mayor slay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagpalabas na ng P.6 milyong reward ang lokal na pamahalaan ng Capiz para sa sinumang makapagtuturo sa killer upang malutas ang kaso ng pamamaslang kay Mambusao Vice Mayor Abel Martinez kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng Capiz PNP, ang P.5 milyon ay mula kay Capiz Governor Victor Tanco  na sinuportahan naman ni DOTC Secretary Mar Roxas III samantala, ang karagdagang P.1 milyon ay ipina­ngako naman ni Roxas City Mayor Angel Alan Celino.

Sa tala ng pulisya, si Vice Mayor Martinez ay pinagbabaril sa tapat ng kanilang tahanan sa Poblacion Proper, Mambusao, Capiz ng riding-in-tandem.

Si Martinez ay namatay ilang minuto matapos isugod sa ospital dahil sa tinamong tatlong bala sa mukha at ulo habang dalawa naman sa dibdib.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na may kinalaman sa pulitika ang motibo ng krimen dahil sa plano ni Martinez na sumabak naman sa mayoralty race sa May 2013 midterm elections.

Sa tala, si Martinez ang ikalawang vice mayor na pinaslang sa Capiz. Noong Disyembre 30, 2006 ay pinatay din si Tapas Vice Mayor Victor Gardose. 

vuukle comment

CAPIZ

CAPIZ GOVERNOR VICTOR TANCO

MAMBUSAO VICE MAYOR ABEL MARTINEZ

NOONG DISYEMBRE

POBLACION PROPER

ROXAS CITY MAYOR ANGEL ALAN CELINO

SECRETARY MAR ROXAS

SI MARTINEZ

TAPAS VICE MAYOR VICTOR GARDOSE

VICE MAYOR MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with