^

Probinsiya

Kuya dinedo ng bunso sa burol ng ina

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 45-anyos na magsasaka ng kanyang nakababatang kapatid sa mismong burol ng kanilang ina sa Barangay Calog, sa ba­yan ng Abulug, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Arthur Domingo habang nasakote at pormal na kakasuhan naman ang suspek na si Joel Domingo, 43.

Nabatid na sinita ng suspek ang kanyang kuya dahil sa pagkupkop nito sa pinsan na sinasabing kaaway niyang mortal.

Nagkataong nakiramay ang nasabing pinsan sa pagkamatay ng kanilang ina.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang magkapatid hanggang sa pagsasaksakin ng nakababatang Domingo ang kanyang kuya kung saan naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay.

Sa ngayon, dalawa na ang nakaburol sa tahanan ng pamilya Domingo habang humihimas naman ng rehas na bakal ang suspek inaasahang haharap sa kasong parricide.

vuukle comment

ABULUG

ARTHUR DOMINGO

BARANGAY CALOG

DOMINGO

JOEL DOMINGO

KINILALA

NABATID

NAGKATAONG

NAUWI

PINAGSASAKSAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with