^

Probinsiya

Misis ng ex-barangay chairman itinumba

-

BATANGAS, Philippines –Sumunod sa hukay ang misis ng da­ting barangay captain matapos barilin ng ‘di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap na naman sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Mercado Hospital subalit namatay din habang ginagamot si Josephine Macandili, 53, ng Barangay 7 sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director, abala sa pag-aasikaso ng mga bisita ang biktima sa ginaganap na Tanauan Institute Batch 78 class reunion sa gymnasium ng Tana­uan City nang lapitan at barilin sa ulo ng lala­king naka-bonnet bandang alas-10:30 ng umaga.

Si Macandili ay asawa ni ex-Barangay Chairman Epoy Macandili na binaril at napatay din noong September 2001 habang patuloy namang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN EPOY MACANDILI

BATANGAS

JOSEPHINE MACANDILI

MERCADO HOSPITAL

NAISUGOD

ROSAURO ACIO

SENIOR SUPT

SI MACANDILI

SUMUNOD

TANAUAN CITY

TANAUAN INSTITUTE BATCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with