^

Probinsiya

Mister nabuwang: 5-katao minasaker

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang mag-asawang matanda ang minasaker matapos pagpapalakulin at pagtatagain ng mister na sinasa­bing nawala sa katinuan sa Purok 3, Barangay Bulwang sa bayan ng Numancia, Aklan kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Aklan PNP director P/Senior Supt. Cornelio Defensor, dakong alas-5:30 ng umaga nang isagawa ang pagmasaker ng suspek na si Errol Roldan, 25.

Unang pinasok ng suspek ang tahanan ng mag-inang Salvacion Rivas, 84; at anak nitong si Baltazar Rivas, 52, kung saan ginamit ang matalim na palakol at bagong hasang itak.

Isinunod ng suspek na pasukin ay ang bahay ng mag-asawang Anunsacion Rivas, 92  at Luciano Rivas, 94; kung saan ang ikalimang minasker ay si Felicidad Rivas.

Samantala, malubha namang nasugatan si Rosa Rivas, 65, na naisugod sa Aklan District Hospital.

Base sa imbestigasyon, natutulog ang mga biktima nang pasukin ng mister na sinasabing sinumpong ng pagkabaliw dahil inabandona ng kanyang misis at apat na anak.

Arestado naman ang suspek at pormal na kakasuhan habang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

AKLAN

AKLAN DISTRICT HOSPITAL

ANUNSACION RIVAS

BALTAZAR RIVAS

BARANGAY BULWANG

CORNELIO DEFENSOR

ERROL ROLDAN

FELICIDAD RIVAS

LUCIANO RIVAS

ROSA RIVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with