^

Probinsiya

Kinidnap na tauhan ni Sen. Lacson pinatay, inilibing

- Ni Christina Timbang -

CAVITE ,Philippines  — Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang negosyanteng civilian security ng agency ni Senador Panfilo "Ping" Lacson matapos itong dukutin, brutal na pahirapan hanggang sa mamatay ay inilibing pa sa lubluban ng kalabaw sa gitna ng isang palayan sa Brgy. Santiago, General Trias, Cavite kamakalawa.

Tadtad ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang balot ng putik na kinilalang si Joselito Manalaysay, 48- anyos, may-asawa, isang civilian security sa Golden Berett Agency na pag-aari ni Sen. Lacson sa Imus, Cavite at naninirahan sa Brgy. Malagasang 2-G sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nawala ang biktima noong Oktubre 21 dakong alas-11:30 ng gabi matapos itong umalis sa kanilang tahanan para dumalo sa pagtitipon pero nabigo ng makauwi sa kaniyang pamilya.

Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap ng text messages ang pamilya ng biktima noong Oktubre 25 mula sa isang hindi nagpakilalang tao na nagsasa­bing nasa gitna ng palayan matatagpuan ang bangkay ng biktima.

Kamakalawa ay napilitan ng dumulog ang pamilya ng biktima sa pulisya at dito na natunton ang bangkay nito na nakabaon sa isang putikan sa gitna ng lubluban ng kalabaw.

Ang biktima ay nagtamo ng 16 tama ng bala ng cal 9 mm at cal 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at mapanagot sa batas ang salarin.

vuukle comment

AYON

BRGY

CAVITE

GENERAL TRIAS

GOLDEN BERETT AGENCY

JOSELITO MANALAYSAY

KAMAKALAWA

LACSON

OKTUBRE

SENADOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with