^

Probinsiya

10-anyos inilibing, bumangon sa hukay

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Himalang nabuhay mula sa hukay ang isang 10-anyos na batang babae matapos halayin ay inilibing ng kanyang pinsang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Kauswagan sa bayan ng Magpet, North Cotabato noong Linggo ng umaga.

Itinago sa pangalang Myla ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at leeg matapos pukpukin ng suspek na si Dennis Quilaton, 21.

Sa testimonya ng ama ng biktima sa mga awtoridad, nawalan ng lakas ang bata matapos suntukin sa sikmura ng suspek, hubaran saka halayin  may ilang kilometro lamang ang layo sa kanilang tahanan.

Sa pag-aakalang patay na ang biktima matapos pukpukin ng matigas na bagay sa ulo ay inilibing ito sa mababaw na hukay saka tinakpan ng mga dahon ng saging saka mabilis na tumakas sa crime scene.

Gayon pa man, himala na nagising ang bata matapos manumbalik ang ulirat makalipas ang ilang oras ay bumangon ito sa hukay na duguang gumapang habang umaagos pa ang dugo sa ulo.

Kahit paika-ika ang paglalakad ng bata ay nagawa nitong makahingi ng saklolo sa ilang kapitbahay.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima kung saan sinamahan naman ng kanyang ama na dumulog sa himpilan ng pulisya noong Lunes.

Bandang alas-11:30 ng umaga, kahapon ay na­dakip ang suspek sa tulong na rin ng mga kagawad ng barangay na kamag-anak din ng biktima. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY KAUSWAGAN

DAGDAG

DENNIS QUILATON

GAYON

HIMALANG

ITINAGO

JOY CANTOS

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with