^

Probinsiya

Plane crash: 2 Arabo sugatan

-

BULACAN, Philippines — Dalawang pilotong Arabo mula sa United Arab Emirates ang iniulat na nasugatan at himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos bumagsak ang pinalilipad na two seater plane sa palayang sakop ng Barangay Peñabatan sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng tanghali.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang instructor pilot na si Kairi Dehai Almegbali at isang student pilot na may pangalang Karunakaran.

Sa ulat ni P/Supt. Myrna Reyes, dakong alas-11:50 ng umaga nang namataan ng mga residente ang Cessna plane (RPC-7087) na pag-aari ng Delta Air Flying School na unti-unting bumubulusok sa palayan sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nag-takeoff ang eroplano mula sa Barangay Dulong Bayan, Plaridel kung saan habang nasa ere ay biglang huminto ang makina bago tuluyang bumulusok sa palayan.

Pinaniniwalaang hindi na mapakikinabangan ang ilang ektaryang panamin na palayan dahil sa kemikal na tumapon habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Boy Cruz at Dino Balabo

vuukle comment

ARABO

BARANGAY DULONG BAYAN

BARANGAY PE

BOY CRUZ

BULACAN

DELTA AIR FLYING SCHOOL

DINO BALABO

KAIRI DEHAI ALMEGBALI

MYRNA REYES

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with