^

Probinsiya

Lalaki todas sa over-sex

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nasobrahan sa pakikipagtalik kaya sinalubong ni kamatayan ang isang lalaki matapos ang ilang oras na kaligayahan sa piling ng isang prostitute sa General Santos City kahapon ng madaling-araw.

Base sa  ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ng roomboy ang biktimang itinago sa pa­ngalang Mark na walang buhay sa nirentahan nitong kuwarto sa lodge sa may Biatelis Street, Barangay South.

Sa salaysay ng roomboy na si Ren-Ren, basa pa ang buhok ng biktima na palatandaang bagong ligo subalit patay na.

Sinasabing mag-a-alas-12 ng hatinggabi nang mag-check-in ang lalaki kasama ang isang babae na sinasabing nagbebenta ng panandaliang-aliw.

May teorya ng mga awtoridad na inatake sa puso ang lalaki dahil may mga palatandaang ilang beses na pakipagtalik sa babae base na rin sa mga naiwang ebidensya sa kumot at ayos ng kuwarto.

Bukod pa sa wala naman sugat habang intact pa rin ang pitaka ng biktima kung saan pinaghahanap ang babaeng kasama nito na nagmamadaling umalis mula sa nasabing lodge.

Inilagak na sa pune­rarya ang bangkay ng nasa­bing lalaki habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY SOUTH

BIATELIS STREET

BUKOD

CAMP CRAME

GENERAL SANTOS CITY

INILAGAK

LALAKI

PINANINIWALAANG

REN-REN

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with