^

Probinsiya

36 pasahero sa bus hinoldap sa Los Baños

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinamantala ng mga armadong kalalakihan ang patuloy na buhos ng ulan matapos holdapin ang 36 pasahero ng aircon bus kung saan isang 23-anyos na babae ang nasugatan sa naganap na panibagong karahasan sa bayan ng Los Baños, Laguna, noong Martes ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame naganap ang holdapan sa HM Transport Bus (DXN -928) sa highway ng Barangay Lalakay bandang alas-8 ng umaga.

Lumilitaw na patu­ngong Cubao, Quezon City ang nasabing bus nang magdeklara ng holdap ang mga armadong lalaki na nagpanggap na mga pasahero.

Gayon pa man, naalarma ang mga holdaper dahil may nakaupong dalawang pulis na sina PO1 Roberto Cansanay at PO1 Jeffrey Baccay.

Dahil dito, nag-panic ang mga suspek kung saan nagpaputok ng baril ang isa sa holdaper sa direksyon ng mga pulis kaya tinamaan at nasugatan si Jenny Ortiz.

Nasakote naman ang isa sa mga holdaper na kasalukuyan ng iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya habang nakatakas ang anim na iba pa matapos na magtalunan mula sa bus.

vuukle comment

BARANGAY LALAKAY

CAMP CRAME

JEFFREY BACCAY

JENNY ORTIZ

LOS BA

QUEZON CITY

ROBERTO CANSANAY

TRANSPORT BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with