^

Probinsiya

Buwayang lumapa sa mangingisda nadakma

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nadakma na kahapon ng umaga ang dambuhalang buwaya na pinaniniwalaang lumapa sa isang 36-anyos na mangingisda sa ilog ng Sitio Marabalay sa Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, Palawan noong Hunyo 21, 2011.

Bandang alas-5 ng uma­ga nang mahuli sa bitag ng mga eksperto sa Palawan Crocodile Farm at Palawan Sustainable Council for Development  ang dambuhalang buwaya na sumusukat ng 13.7 talampakan sa ilog ng Brgy. Rio Tuba.

Nabatid na may apat na araw ding binantayan ng mga kinauukulan ang buwaya bago ito mabitag sa bitag matapos na magbalik upang maghanap ng makakain tulad ng manok, baboy at maging tao.

Sa sobrang laki ng buwaya na may timbang na 300 hanggang 400 kilo ay sampung lalaki ang nagtulung-tulong na buhatin ito, piniringan dahil nagwawala kapag nakakakita ng tao at itali sa bangka bago dalhin sa Palawan Crocodile Farm.

Magugunita na nilapa ng buwaya ang mangi­­n­gisdang si Edwin Lucero sa ilog ng Rio Tu­ba.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY RIO TUBA

BATARAZA

BRGY

EDWIN LUCERO

HUNYO

PALAWAN CROCODILE FARM

PALAWAN SUSTAINABLE COUNCIL

RIO TU

RIO TUBA

SITIO MARABALAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with