^

Probinsiya

2 holdaper ng burger machine utas sa truck

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines  - Maagang sini­ngil ni kamatayan ang dalawa sa tatlong holdaper habang kritikal ang isa pa nang suyurin ng truck ang getaway vehicle ng mga itong tricycle habang tumatakas matapos holdapin ang isang Burger machine sa Dasmariñas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/ Supt Gerardo Umayao, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga napatay na suspek na sina; Jordan Geronimo nasa hustong gulang at Oscar Araman, habang kritikal pa rin sa pagamutan ang isa pang mga kasamahan nito na si Edison Reyes, pawang mga residente ng Bulihan, Silang, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Edgar Belza may hawak ng kaso dakong alas-4 ng madaling araw ng hol­dapin ng mga suspek ang Burger machine stand sa nasabing lugar.

Ang mga suspek ay lulan ng isang tricycle na walang plaka kung saan agad na nagdeklara ng holdap ang dalawa sa mga ito matapos na tutukan ng baril at patalim ang mag-amang kustomer na sina Felipe Macalindong, 46 anyos; anak na si Shekinah, 16 gayundin ang crew dito na si Jhon Leo Arao, 24 anyos.

Mabilis na kinuha ng mga suspek ang kinita ng nasabing stand gayundin ang mga pera at cell phone ng mag-amang kostumer.

Ilang saglit pa ay mabilis na tumakas ang mga suspek pero dahilan sa pagmamadali ay nabangga ng isang kasalubong na Isuzu Aluminum wing van truck­­(RFB-997) na minamaneho ni Leonardo Jolongbayan na naging mitsa ng kamatayan ng mga ito.

Narekober sa lugar ang mga kagamitan at perang tinangay ng mga ito sa bur­ger machine at sa mag-amang kustomer gayundin ang mga patalim at baril na ginamit sa panghoholdap.

vuukle comment

EDGAR BELZA

EDISON REYES

FELIPE MACALINDONG

ISUZU ALUMINUM

JHON LEO ARAO

JORDAN GERONIMO

LEONARDO JOLONGBAYAN

OSCAR ARAMAN

SUPT GERARDO UMAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with