^

Probinsiya

Encounter: 5 NPA, 1 sundalo dedo

- Nila Joy Cantos, Boy Cruz at Dino Balabo -

MANILA, Philippines - Limang rebeldeng New People’s Army at isang sundalo ng Phil .Army ang iniulat na napatay habang lima pang rebelde ang na­sugatan makaraang makasagupa ng militar ang grupo ng mga rebelde kahapon ng umaga sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 56th Infantry Battalion Commander Col. Hilario Vicente Lagnada, naganap ang bakbakan bandang alas-5:30 ng umaga sa liblib na ba­hagi ng Purok 5, Paradise 3 sa Brgy. Kaybanban malapit sa hangganan ng Montalban, Rizal.

Nabatid na nagsasa­gawa ng security pat­rol ang pinagsanib na elemento­ ng Bravo Company ng 56th IB, 4th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company at ng Bulacan Provincial Police Office sa pamumuno ni P/Insp. Agustin Joseph nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde nag-ooperate sa hangganan ng Bulacan at Rizal.

Agad na sumiklab ang putukan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng may 30-minuto kung saan napatay ang isang Army Corporal na hindi muna tinukoy ang pagkaka­kilanlan.

Narekober sa pi­nangyarihan ng sa­gu­paan ang mga dugu­ang backpacks, rifle grenades, cellphones at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

AGUSTIN JOSEPH

ARMY CORPORAL

BRAVO COMPANY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

HILARIO VICENTE LAGNADA

INFANTRY BATTALION COMMANDER COL

MANEUVER PLATOON

MONTE CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with