^

Probinsiya

Trader tinangayan ng Innova

- Ni Mer Layson -

Rizal ,Philippines — Isang negosyante ang tinangayan ng sasakyan, pera at mahahalagang gamit ng tatlong lalaking umano’y miyembro ng ‘Pulis Patrol’ sa bayan ng Cainta, kahapon ng madaling-araw.

 Batay sa reklamo sa Cainta Police Station ng biktimang si Ericson Dorado, 25, may-asawa at residente ng Building 3, D-13 Bayani St., Bahay Ciudad, Quezon City, dakong ala-1:30 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang insi­dente sa kahabaan ng Felix Avenue sa Barangay Sto. Domingo, sa Cainta.

 Ayon sa biktima, pinara siya ng tatlong lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo, na pawang nakasuot ng mga t-shirt na may tatak na “Pulis Patrol,” at armado ng mga baril.

Habang nakatutok ang baril, inutusan umano ng suspek ang biktima na buksan ang pintuan ng kaniyang Toyota Innova (FYI-307), saka kaagad na sumakay ang dalawa sa mga ito.

 Kinumander umano ng mga suspek ang kaniyang sasakyan at saka iginapos ang biktima matapos na kunin ang kaniyang wallet na naglalaman ng P2,000, dalawang cell phone at relo. Ang kasong ito ay ini­imbestigahan na ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAHAY CIUDAD

BARANGAY STO

BAYANI ST.

CAINTA

CAINTA POLICE STATION

ERICSON DORADO

FELIX AVENUE

PULIS PATROL

QUEZON CITY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with