^

Probinsiya

Reporter ng Taliba itinumba

- Ni Christian Ryan Sta Ana -

CABANATUAN CITY ,Philippines  – Humantong sa trahedya ang pagbabakasyon ng isang correspondent ng pahayagang Taliba matapos itong kuyugin at pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa Purok 6, Brgy. M.S. Garcia sa lungsod na ito kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Eliseo Cruz, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktima na si Edgar Bergaño, 51-anyos at correspondent ng Taliba sa lalawigan ng Bulacan.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Robert Cayado alyas Bobby, may-asawa; at Darwin Purganan alyas Bitoy, 32, binata, kapwa residente rin ng Barangay M.S. Garcia.

Bandang alas-8:40 ng umaga, nasa terminal ng tricycle ang biktima ng biglang dumating ang suspek na si Cayado, na armado ng isang butcher’s knife. Sa puntong iyon ay biglang nilapitan ng dalawang suspek ang biktima at doo’y pinagsasaksak ni Cayado habang pinagsusuntok naman ni Purganan.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan at pasa sa mukha ang biktima na agad na binawian ng buhay habang mabilis namang tumakas ang mga suspek na sumakay sa isang tricycle. 

Nasakote naman sa follow-up operation ang suspek na si Purganan habang patuloy ang pagtugis sa isa pa nitong kasamahan. 

vuukle comment

BARANGAY M

CABANATUAN CITY POLICE

CAYADO

DARWIN PURGANAN

EDGAR BERGA

ELISEO CRUZ

GARCIA

PURGANAN

ROBERT CAYADO

TALIBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with