^

Probinsiya

Bank manager, 1 pa utas sa holdaper

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

RIZAL, Nueva Ecija , Philippines  -  Patay ang isang Branch Manager ng isang bangko at empleyado nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong holdaper sa  Bongabon-Ri­zal Provincial Road, Brgy. Calaocan District sa bayang ito nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Samuel Avila, hepe ng Rizal Police Station, ang mga biktima na sina Erick Liwag, 38-anyos, Branch Manager ng Rizal Branch ng Cabanatuan City Rural Bank, residente ng Barangay Liwayway, Sta. Rosa, Nueva Ecija, at ang kasamahang appraiser ng bangko na si Marvin Valmadrid 31, ng AGL Subdivision, Cabanatuan City.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong ala-1:55 ng hapon, sakay ang dalawang biktima ng Toyota Corolla (TME-459) nang harangan ang kanilang daraanan ng mga suspek at biglang paputukan ng baril sa naturang lugar.

Sa bilis ng pangyayari ay bumangga ang kanilang kotse sa kongkretong barrier ng tulay kung saan niratrat ang mga ito ng mga suspek .

Ayon sa opisyal, puwer­sahang, binasag ng mga suspek ang salamin ng kotse at nang mabuksan ay kinuha ang itim na bag na dala ng dalawang biktima. Pag-aari umano ito ni Valmadrid na may lamang importanteng mga dokumento.

Nabatid pa na hindi naman natangay ang P300,000 cash na winidraw ng mga ito sa ibang bangko nung umaga ring iyon matapos na maibigay agad ito sa kanilang bangko. Ngunit ang tatlong mamahaling cell phone na kanilang dala ay natangay ng mga suspek kasama ang halagang P4,000 na malulutong na P20 bill.

Narekober sa crime scene ang may 21-basyo ng bala ng kalibre .9mm na galing umano sa baril ng mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY LI

BRANCH MANAGER

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY RURAL BANK

CALAOCAN DISTRICT

CHIEF INSP

ERICK LIWAG

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with