^

Probinsiya

4-anyos, yaya todas sa bus

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 4-anyos na babae at yaya nito makaraang masagasaan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kalsada ng Barangay Poblacion, Alubijid, Misamis Oriental kamakalawa. Nasawi sina Denise Jane Ramos habang ang yaya ay nakilala lamang sa pangalang Lilia. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng umaga nang tumawid ang mag-yaya papuntang paaralan nang mahagip ng Rural Transit of Mindanao, Inc. Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber na si Arthur Jamis. Tiniyak naman ng pamunuan ng RTMI na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa sinapit ng dalawa. Sa nakalipas na buwan, tatlong Maranao Muslim din ang nasawi matapos mahagip ng RTMI bus sa bayan ng Libertad kung saan humantong pa sa pagsunog ng ilang bus at pagpatay sa ilang driver at conductor bilang paghihiganti ng pamilya ng mga biktima.

vuukle comment

ALUBIJID

ARTHUR JAMIS

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

DENISE JANE RAMOS

LIBERTAD

LILIA

MARANAO MUSLIM

MISAMIS ORIENTAL

RURAL TRANSIT OF MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with