3 tiklo sa P.3 milyong nakaw na manok
BULACAN, Philippines — Tatlo-katao na sinasabing magkakasabwat sa ninakaw na P.3 milyong halaga ng manok ang naaresto ng pulisya sa Barangay Pungo sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na si Ronnel Pesa, 24, drayber; mag-asawang Ceperino Dionisio, 46 at Lucena Dionisio, kapwa nakatira sa Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.
Sa ulat ni P/Supt. Myrna Reyes, lumilitaw na kinasabwat ni Pesa ang mag-asawang Dionisio para tangayin ang mga manok na lulan ng truck (CXC 671) na dadalhin sana sa bayan ng Hermosa, Bataan.
Nabatid na nagduda si P/Senior Insp. Jason San Pedro sa magkakaibang salaysay ng tatlo kaugnay sa naganap na haydyak kung saan inamin naman ni Pesa ang pagnanakaw.
- Latest
- Trending