^

Probinsiya

PNP, DepEd nagsanib sa Brigada Eskwela

- Ni Boy Cruz -

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Malolos City, Philippines — Nagsanib puwersa ang Bula­can PNP at Department of Education sa paglilinis ng mga kapaligiran at pag-aayos sa mga kagamitan sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Malolos kaugnay sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan. Pinangunahan ni PNP Provincial Director Sr. Supt. Fernando Villanueva at ng Police Community Relations at Provincial Pub­lic Safety Management Company ang boluntaryong pag­sasaayos ng mga kagamitan sa Bara­soain Memorial Elementary School na nasa Barangay Mojon sa naturang lungsod. Ayon kay Villanueva, sa halip na baril, martilyo, lagare, brutsa at pintura ang pansa­mantalang hahawakan ng kanyang mga tauhan para kumpunihin ang mga depekti­bong silya, pinturahan ang mga kupas ng dingding at maging ang mga linya ng kuryente. Matatandaan na ginamit din ng mga botante sa naka­raang halalan ang mga paaralan na nag-iwan ng mga tambak na basura.

vuukle comment

BARANGAY MOJON

DEPARTMENT OF EDUCATION

FERNANDO VILLANUEVA

MALOLOS CITY

MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

POLICE COMMUNITY RELATIONS

PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

PROVINCIAL PUB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with