^

Probinsiya

Anak binihag ng ama

-

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga awto­ridad ang isang dalawang-taong gulang na batang lalaki na tinangkang pa­tayin ng sarili nitong ama na umano’y may dipe­ren­sya sa pag-iisip sa Lagong­long, Misamis Oriental kama­kalawa.

Kinilala ang nasagip na biktima na si Darwin Ortiz na muntik ng mapatay ng ama nitong si Roger, 35 anyos.

Batay sa report ng Police Regional Office-10, naga­nap ang insidente sa taha­nan nina Ortiz sa Sitio Dako, Barangay Manaol, Lagong­long dakong alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sinung­ga­ban ni Roger at tinutu­kan ng itak si Darwin.

Mabilis namang nagres­ponde ang mga awtoridad at matapos ang pitong oras na negosasyon ay mapaya­pang napasuko ang suspek.

Nailigtas naman ang bata na nag-iiyak sa matinding takot sa ama na umano’y dumaranas ng kapansanan sa pag-iisip. Joy Cantos

vuukle comment

AYON

BARANGAY MANAOL

JOY CANTOS

LAGONG

MISAMIS ORIENTAL

NAILIGTAS

ORTIZ

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

SITIO DAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with