^

Probinsiya

Minahan sumabog, 1 patay

-

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng isang minero habang apat pa ang malubhang nasu­gatan makaraang yanigin ng malakas na pagsabog ang isang operasyon ng isang small scale mining sa Imel­da, Zamboanga Sibu­gay nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office 9 Director Chief Supt. Angel Sunglao ang nasawing biktima na si Evan Tulabing.

Nagtamo naman ng multiple degree burns sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sina Edwin Nagar, Jessie Tinay, Ramil Artiola at Boyet Banda.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Sunglao na nang­yari ang pagsabog sa Coal Mining ni Jose Dagpin, residente ng Dipolog City sa bisinidad ng Barangay Lum­bog sa Imelda bandang alas -6:20 ng gabi.

Nagkakabit ng kuryente sa loob ng tunnel ang mga minero nang sumingaw ang gas sa loob nito.

Bunsod nito, isang ma­lakas na pagsabog ang uma­lingawngaw na suma­pul sa katawan ni Tulabing habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang apat nitong kasama­han. Joy Cantos

vuukle comment

ANGEL SUNGLAO

BARANGAY LUM

BOYET BANDA

COAL MINING

DIPOLOG CITY

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDWIN NAGAR

EVAN TULABING

JESSIE TINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with