Ex-vice mayor itinumba
() - November 10, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating bise alkalde ng Bayang, Lanao del Sur matapos na tambangan kamakalawa sa Kabacan, Cotabato.

Ang biktimang si dating Vice Mayor Salim Raja­muda, 50 ay tinambangan dakong alas-8:00 ng umaga sa Ulangkaya Compound, Abellera st., Kabacan, Cotabato.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na bigla na lang sumulpot ang mga suspek na sina Abdul Azis Abdulla, Randy Cadatuan Dimolongon at Musanip Bon­dollan, pawang mga residente ng Brgy. Cuyapon ng natu­rang lalawigan, habang sakay ng kulay itim na Kawasaki HD III at may plakang JX 9039 at mabilis na niratrat ang biktima.

Agad din nasakote ng pulisya ang mga suspek sa isi­nagawang follow-up operation at narekober ang cal.45 na baril. Sa ngayon ay nakadetine sa detention cell ng Ka­bacan-Municipal Police Station ang mga suspek at iniim­bestigahan ang motibo ng pananambang. (Joy Cantos)

ABDUL AZIS ABDULLA ABELLERA COTABATO JOY CANTOS KABACAN MUNICIPAL POLICE STATION MUSANIP BON RANDY CADATUAN DIMOLONGON ULANGKAYA COMPOUND VICE MAYOR SALIM RAJA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with