Suspension order vs Cuerpo ipinatupad
() - August 26, 2009 - 12:00am

RIZAL , Philippines   – Ganap nang nag­kabisa ang suspension order laban kay Rodriquez Mayor Pedro Cuerpo mata­pos na ito’y ipag-utos ng San­digan­bayan.

Agad na ipinatupad ng Rizal Provincial Government ang agarang pagsuspinde kay Cuerpo kaugnay ng ka­song paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang utos ng Sandiganbayan laban kay Cuerpo ay bunsod ng nauna nitong desisyon na ibasura ang second motion for reconsideration na isi­nampa ng mayor.

Pinagtibay ng anti-graft court sa naturang desisyon ang utos nito na suspindihin si Cuerpo kabilang ang ilan pang opisyales ng bayan ng Rodriguez.

Sa desisyon ni Justice Teresita Diaz-Baldos, sinabi ng korte sa Rizal provincial goverrment na ang utos ay “immediately executor. “The court stands firmly by its  previous resolutions and resolves that the instant pleading (of Cuerpo) bears no merit,” dag­dag pa nito. Inilabas ng korte ang unang suspensiyon la­ban kay Cuerpo nuong October 3, 2008.

Nagbabala rin ang korte nang hakbang ni Cuerpo ay nag­papakita lamang ng ma­linaw na intensiyon na pa­bagalin ang implemen­tas­yon ng suspension order.

Ayon sa Sandiganbayan, ang suspension order ay kailangan para hadlangan si Cuerpo na gamitin ang kan­yang tanggapan sa panana­kot ng mga testigo o biguin ang prosecution.

Ang suspensiyon ni Cu­rerpo ay batay sa mosyon ng Ombudsman sa mga rek­lamo ng ilang residente da­hil sa lu­bos na pang-aabuso ng ka­pangyarihan at grave misconduct kaugnay ng pagdemolis ng kanilang mga tahanan noong 2002. Bukod kay Cuer­po, nasuspinde rin sina Muni­cipal Engineer Fernan­do Roño at Barangay Chairman Salvador Sim­bulan.

Ayon sa mga biktimang sina Leticia Nanay, Nancy Bar­subia, Gemma Bernal, Ma. Victoria Ramirez, Cri­santa Oxina at Adelaida Ebio, na ipinagkait sa kanila ni  Mayor Cuerpo at ng iba pang mga akusado ang na­aayon sa batas na paggamit ng kani­lang lupain.

Binasura ng Sandigan­bayan ang naunang motion for reconsideration ni Mayor Cuerpo noong  Marso 17 subalit nagbigay ito ng daan para manatili ang status quo hanggang  Mayo 29, 2009.

Nanawagan naman si Acting Rodriguez Mayor Jo­nas Cruz sa mga kinauuku­lan na irespeto ang suspension order para maipag­patu­loy ang normal na serbisyo sa taum­ bayan. (Rose Tamayo)


ACTING RODRIGUEZ MAYOR JO ADELAIDA EBIO ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT AYON BARANGAY CHAIRMAN SALVADOR SIM CUERPO ENGINEER FERNAN MAYOR CUERPO SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with