^

Probinsiya

Suspek sa bumaril sa brodkaster kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Takdang isampa nga­yon ng Task Force 211 na pinamumunuan ni Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor ang kasong frustrated murder laban sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa brodkaster na si Nilo Labares na naka­base sa Cagayan de Oro.

Sinabi ni Blancaflor na isasampa nila ang kaso kasunod ng paglutang ng apat na testigo na positi­bong kinilala ang mga suspek na sina Felizar “Boyet” Caytor at Bernardo Aguilar na residente rin ng naturang lungsod.

Kaugnay nito, pinapu­rihan ni National Press Club President Benny An­tiporda si Blancaflor dahil sa mabilisang pagkilos para sa agarang ikalulutas ng tangkang pagpatay kay Labares.

Matatandaan na si La­bares, 48, head reporter ng dxCC-Radio Mindanao Network at kilala sa tawag na “Babayeng Bagol” sa kan­yang radio program, ay pinagbabaril ng dalawang kalalakihang nakamotor­siklo noong Huwebes ha­bang pauwi sa kanilang bahay sa Buena Oro.

Ayon sa mga saksi, si Caytor ang nagmaneho ng motorsiklo habang si Agui­lar ang bumaril sa biktima.

Nananatili namang nasa kritikal na kondisyon sa Maria Reyna Hospital ang biktima na kinakitaan na ng senyales ng pag­galing kahit inalis na ang isa niyang kidney o bato makaraang ta­maan ng bala ng baril.

Bago ang pananam­bang, walang takot na bi­nabatikos ni Labares ang mga iligal na sugal sa kani­lang lugar lalo na ang video karera.

Patuloy namang ina­alam ng task force ang utak sa naturang pag-atake.

vuukle comment

BABAYENG BAGOL

BERNARDO AGUILAR

BLANCAFLOR

BUENA ORO

CAYTOR

JUSTICE UNDERSECRETARY RICARDO BLANCAFLOR

LABARES

MARIA REYNA HOSPITAL

NATIONAL PRESS CLUB PRESIDENT BENNY AN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with