^

Probinsiya

3 'karnaper' nasakote

-

NUEVA ECIJA – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga karnaper ang dinakma ng pulisya makaraang makum­piskahan ng karnap na sasakyan sa Palayan City, Nueva Ecija kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Noel Uera y Bautista, 27, ng Miranda Subdivision, Novaliches, Que­zon City; Paulo Juanino y Bautista, 22, ng Poblacion Guiguinto, Bulacan; at Ryan Navarro y Flores, 23, ng Barangay Liberty, Pantabangan, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Epitacio David Domingo, hepe ng Palayan City PNP, ang mga suspek ay namataang lulan ng kinarnap na Toyota Vios TXN 818 mula sa Maynila matapos dumaan sa PNP checkpoint. Nakum­piskahan ng baril, iba’t ibang uri ng bala, patalim, bonnet, at personal na gamit ang mga suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)

8 sugatan sa atake ng MILF

KIDAPAWAN CITY – Walong sibilyan ang iniulat na nasu­gatan makaraang pasabogan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang command post ng 54th Infantry Batta­lion ng Phil. Army sa Sitio Nimao, Barangay Buayan sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao, noong Biyernes ng ha­pon. Ayon kay Col. Marlou Salazar, commander ng 601st Brigade, nag­haha­punan ang mga biktima nang tamaan ng shrapnel mula sa mga MILF rebs kung saan ang puntirya ay ang command post ng Phil. Army. Napag-alamang nakaposisyon ang mga rebelde sa layong 400 metro sa kampo ng mga sun­dalo malapit sa pampang ng Linao River kung saan maraming sibilyan ang nakatira. “Kaya’t sa halip mga sundalo ang tamaan nila, mga sibilyan ang nahagip ng mga bala ng mga MILF,” paha­yag ni Salazar. Umatake ang mga rebelde bilang ganti sa pagkalagas ng walong rebeldeng MILF, kamakalawa, ayon sa Army official. (Malu Manar)

Mag-utol nagpatayan dahil sa lupa

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na mi­na­nang lupain mula sa mga magulang ang isa sa naging ugat kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister ng sarili nitong kapatid na lalaki sa bakuran ng kanilang tahanan sa Sitio Misalay, Barangay Macalaya sa bayan ng Cas­tilla, Sorsogon kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Joey Ari­zapa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rey Ari­zapa, 41, kapwa magsasaka at residente ng nabanggit na ba­rangay. Napag-alamang naglilinis ng bakuran ang biktima nang lapitan at ratratin ng suspek bandang alas-4 ng hapon. (Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BUAYAN

BARANGAY LIBERTY

BARANGAY MACALAYA

BAUTISTA

CHRISTIAN RYAN STA

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with