^

Probinsiya

Trader, sanggol tinodas

-

NUEVA ECIJA — Isang biyudong negos­yante at sanggol na lalaki ang napaslang maka­raang pagba­ba­rilin ng dalawang ‘di-pa ki­lalang kalalakihan sa gusali ng Villanueva sa Ga­baldon Street, Ca­ba­natuan City, Nueva Eci­ja, noong Sabado ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga biktimang sina Ricardo Gonzales y Alperto, 52, ex-CSU sa Kapitolyo ng Nueva Ecija at nakatira sa Barangay Villa Ofelia at ang 11-buwang sang­gol na si Kurt Justine Tiongson y Espino.

Samantala, nada­may naman si Teodoro Balag­tas, 42, na tina­maan ng bala sa ba­likat at ngayon ay gina­gamot sa Nueva Ecija Doctors Hospital.

Ayon kay SPO1 Dela Cruz, dumalaw lang si Ri­cardo sa kan­yang kasin­tahang si Teodoro sa nabanggit na lugar nang ratratin ng dalawang lalaking naka­motorsiklo.

Napag-alamang ka­long ni Teodoro ang sanggol habang nakiki­pag-usap kay Ricardo nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo habang hindi na­man inaalis ang ang­­gulong karibal sa ne­gosyo ang pumas­lang. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY VILLA OFELIA

CHRISTIAN RYAN STA

DELA CRUZ

KURT JUSTINE TIONGSON

NUEVA ECI

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

RICARDO GONZALES

RICARDO MARQUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with