^

Probinsiya

Kilu-kilong karne ng aso nasabat

-

BAGUIO CITY  – Kalaboso ang binagsakan ng anim na sibilyan makaraang maaktuhang nagbe­benta ng karne ng aso sa public market sa Baguio City kama­kalawa. Sa pangunguna ni SPO4 Rizal Malicsi ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera at National Meat Inspection Service-Cordillera na pinamunuan naman ni Dr. Florentino Pintor, na­dakma ang mga suspek na sina Pio Montano, Nelson Patacsil, Bryan Angala, Jovelita Corpus, pawang retailer sa Baguio public market;  Rosalie Selga ng Ro­sario, La Union at drayber nitong si Daniel Flores. Nakumpiska kina Montano at Patacsil ang pitong aso na kinatay habang 24 naman kay Angala at tatlo kay Corpuz. Sa isinagawang operasyon kasama ang grupong Animal Kingdom Foundation (AKF) sinalakay ang nabanggit na palengke at nakakumpiska ng may 258 kilong karne ng aso. Artemio A. Dumlao

Mag-asawa nilikida

KIDAPAWAN CITY – Napaaga ang salubong  ni kamatayan sa mag-asawang magsasaka makaraang pagbabarilin ng may-ari ng gomahan noong Sabado ng gabi  sa Barangay Bunawan sa bayan ng  Tulunan, North Cotabato. Natagpuan sa abandonadong bahay sa nabanggit na barangay ang katawan ng mga biktimang sina Leo at Jenny Japos na kapwa  may tama ng bala ng baril sa likod, ulo at dibdib. Tugis naman ng pulisya ang pangunahing suspek na si Igmedio Tuting, may-ari ng gomahan kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa. Malu Cadelina Manar

Town councilor itinumba

BATANGAS – Isang 52-anyos na town councilor ang iniulat na napaslang makaraang ratratin sa harap mismo ng munisipyo ng bayan ng Taal, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Crod Maranan, police chief ng Taal, ang biktimang si Franco Casanova ng Barangay Gahol at kasapi ng Kampi Party List. Ayon sa report, katatapos lang dumalo sa session si Casanova at papasakay na ng Toyota Crown na nakaparada sa harap ng municipal hall nang lapitan at pagbabarilin ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong pulitika at personal ang posibleng motibo sa pamamaslang. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ANIMAL KINGDOM FOUNDATION

ARNELL OZAETA

ARTEMIO A

BARANGAY BUNAWAN

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with