^

Probinsiya

Lolo nag-amok sa ospital, todas

- Joy Cantos -

Naging mitsa ng kama­tayan ng isang 62-anyos na lolo ang pag-aamok niya sa isang ospital nang sumabog ang hawak niyang eksplo­ sibo na iki­nasugat din ng lima katao sa Iloilo City ka­ma­kalawa ng gabi.

Nagkagutay-gutay ang katawan at agad na nasawi ang biktimang si Evange­lista Aposaga ng Project 7, Barangay Sooc, Arevalo ng nasabing lungsod.

 Nasugatan naman sa insidente ang mga pas­yente ng Western Visayas Regional Medical Center na  sina Ramsdel Gallardo, Jennifer Sanpino, Antonio Adam, Ma. Nany Patri­monio at Carlos Magba­nua.

 Ayon sa imbestigasyon, lasing na nagtungo sa na­turang pagamutan si Apo­saga para bisitahin sana ang apo niyang babae na isa ring pasyente roon.

Pero hinarang siya ng mga guwardiya at pinigi­lang makapasok sa ospital dahil bawal sa loob ang  mga la­sing.

 Galit na umalis ang ma­tanda pero bumalik pagka­raang ng ilang oras sa pa­gamutan.

Nagalit ang matanda nang hindi pa rin siya pa­pasukin ng mga guwardiya ng ospital. Natumba  na­man siya sa sobrang kala­singan bunsod upang su­mambulat ang homemade explosive na agaran nitong ikina­matay habang nasu­gatan naman ang lima pang pas­yente.

Narekober rin sa insi­dente ang isang homemade cal. 38 pistol ng ma­tanda na may anim na bala.

vuukle comment

ANTONIO ADAM

BARANGAY SOOC

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with