2 tinodas sa lamay
() - July 9, 2008 - 12:00am

CAVITE – Pinagsasaksak hanggang sa ma­patay ang magkaibigang lalaki habang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang  pamangkin ng pinaglalamayan sa Barangay Pali­paran 3, Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Kabilang sa napatay ay sina Jhony Sabandeja, 32 at Erwin Tungol, 29; habang ginagamot naman sa ospital si Danny Pamin, 31. Tugis naman ng pulisya ang sus­pek na si Toto Espinosa. May teorya ni SPO1 Valero Bueno, na inakala ng suspek na may panana­gutan ang dalawa sa pagpatay sa kanyang tiyuhing si Jeffrey Espinosa. Cristina Timbang

Magkaibigan dinedo ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napa­aga ang salubong ni kamatayan sa magka­ibigang lalaki makaraaang dukutin at pagba­barilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Bituon, Barangay Royroy sa bayan ng Batuan, Masbate kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Junrey Pagaspas, Cafgu  trainee at Rene Illabanes. Ang mga biktima ay kapwa igi­napos at kinaladkad palabas ng kanilang bahay patungo sa masukal na bahagi ng Barangay Roy­roy. Pinaniniwalaang nagalit ang mga rebelde sa isinasagawang pagsasanay ni Pagaspas para maging lehi­timong kasapi ng Cafgu sa kanilang lugar kaya idinamay na rin ang kanyang kaibigan. Ed Casulla

Dalaga ni-rape slay

TALAVERA, Nueva Ecija – Isang bakasyu­nis­tang dalaga ang iniulat na ni-rape slay ng traysiker drayber sa liblib na bahagi ng Ba­rangay Esguerra District ng bayan ng Talavera, Nueva Ecija, noong Miyerkules (Hulyo 2). Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arnel Santiago, natagpuan ang katawan ni Marklyn Montalban y Sambrano na walang saplot at may malalim na sugat sa ulo na pinaniniwalaang pinalo ng matigas sa bagay. Sa follow-up operation ng pulisya, pormal naman kinasuhan matapos masakote ang suspek na si Christian Podadera y Mercado na ka-textmate ng biktima. Base sa police report, ang biktimang tubong Cauayan, Isabela ay isinakay sa trike ng suspek matapos na mamataang nakatayo sa harapan ng kani­lang bahay. Christian Ryan Sta. Ana

2 dedo sa road mishap

OLONGAPO CITY – Dalawa-katao ang kumpir­madong nasawi habang siyam na iba pa ang gra­beng nasugatan makaraang magsal­pukan ang tat­long sasakyan sa kurbadang kal­sada na sakop ng Olongapo City kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Abelardo Villacorta, ang dalawa na sina Erick Diaz ng Lower Kalaklan at Winnie Santua, 22, ng Barangay Sta. Rita. Ginagamot naman sa James Gordon Memorial Hospital sina Sheena Karen Montilla Garcia, Ronnel DC Bondoc, Josephine Fer­nandez, Nerissa Lagos, Rodel Cruz, Charlene Tapnio,  Expedito Teroy,  Arvie Manares, at si Maty Liza Figueroa, pawang mga residente ng Old Cabalan, Olongapo City. Sa ulat ni PO3 Rene Pundaveta, sumalpok ang Honda Civic (TJK 346) ni Diaz kasama si Santua sa pam­pasaherong dyipni (CEJ898) ni Manalansan bago sumalpok sa isa pang sasakyan. Alex Galang

ABELARDO VILLACORTA CITY NUEVA ECIJA PLACE SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with