^

Probinsiya

P4.6-B shabu pinasusunog ng korte

-

OLONGAPO CITY – Ipi­nag-utos kahapon ng regio­nal trial court ang agarang pag­sunog sa P4.6 bilyong shabu na nakum­piska ng mga aw­toridad sa Subic Bay Freeport kama­kailan

Ang kautusan ay ipina­la­bas ni Judge Raymond Viray ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 75 batay na rin sa re­ko­men­dasyon ng prose­kusyon matapos ang ocular inspection kung saan nakalagak ang tinatayang aabot sa 700 kilo ng shabu.

Nakasaad din sa kautu­san ng korte ang pag-transfer sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency sa 714.66 kilo ng shabu mula sa pag-iingat ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa Task Force Subic.

Nagbigay din ng instruk­syon si Judge Viray na ga­gawin ang pagsunog sa loob ng 24-oras matapos ang ginawang ocular inspection ng mga kinatawan mula sa Bureau of Customs at Subic Bay Me­tropo­litan Authority (SBMA).

Sa panig naman ni Atty. Edmundo Arugay, deputy director ng Presidential Anti-Smuggling Group-Task Force Subic (PASG-TFS), na naki­kipag-ugna­yan na ang kan­yang ahen­siya sa pa­mu­nuan ng PDEA upang itakda ang petsa sa pagsu­nog sa ba­­wal na droga. Alex Galang

vuukle comment

ALEX GALANG

BUREAU OF CUSTOMS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDMUNDO ARUGAY

JUDGE RAYMOND VIRAY

JUDGE VIRAY

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with