Bebot kinatay
() - May 4, 2008 - 12:00am

OLONGAPO CITY – Narekober ng mga awtoridad dito kamakalawa ang kinatay na katawan ng  isang babae.

Ayon sa report ni Olongapo City Police Director Police Senior Supt. Abelardo Villacorta, nakuha ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang babae sa likod ng Pagasa market dakong alas-3 kamakalawa.

Sinabi niya na isang putol na kanang kamay, isang breast (suso) ng babae at iba’t ibang internal organ ang narekober sa isang basurahan na nakasilid sa isang itim na garbage bag na nakita umano ng isang basurero.

Saad pa nito nasa advance decomposition na ang mga bahagi ng katawan at amoy formalin.

Unang hinala ng mga awtoridad ay maari umano itong ginamit ng mga istudyante para sa pag aaral ngunit ‘di pa matukoy kung sino at bakit itinapon lamang sa basurahan ang naturang mga bahagi ng katawan na tao. (Alex Galang)

ABELARDO VILLACORTA ALEX GALANG AYON ISANG NAREKOBER OLONGAPO CITY POLICE DIRECTOR POLICE SENIOR SUPT PAGASA SAAD SINABI
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with