^

Probinsiya

Hotel cashier utas sa holdap

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang hotel cashier makaraang pagsasaksin ng ‘di-pa kilalang lalaki  sa Barangay Bagong Kalsada sa Calamba City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, ang biktimang si Jenny Palma, 38, ng Purok 5 sa Barangay Sucol, Calamba City at kahera sa Garden Inn Motel sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, habang nag-iisa ang biktima sa nasabing motel, pinasok ito ng mga ‘di-kilalang lalaki at pinag­sasaksak hanggang sa mamatay bago tangayin ang hindi pa maba­tid na halaga bandang alas-5 ng umaga.

Sa salaysay ng mga saksi, huling namataan ang biktima na nakikipag-kwentuhan sa isang lala­king kinilalang si Ranillo Baral bago ito natagpuang patay sa na­sabing hotel.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad si Ba­ral para kunan ng salaysay kaugnay sa naganap na krimen. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY BAGONG KALSADA

BARANGAY SUCOL

CALAMBA CITY

FELIPE ROJAS JR.

GARDEN INN MOTEL

JENNY PALMA

RANILLO BARAL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with