Saleslady hinoldap na, ginahasa pa sa CR
- Ni Ed Amoroso () - December 28, 2007 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, La­guna – Matapos pagna­ka­wan ang isang 20 anyos na saleslady sa loob ng rest­room, ginahasa pa siya ng isa sa tatlong suspek sa loob ng plaza sa Barangay Ba­gumbayan, Siniloan, Laguna kamakalawa ng hapon.

Agad namang nagsum­bong sa mga awtoridad ang biktimang itinago sa alyas na Hilda, dalaga, at nakatira sa Siniloan.

Mabilis namang nadakip ng pulisya ang mga suspek na sina William Kahulugan, 21, nakatira sa Barangay Pandeno; Lester Acebuque, 23, at Rodney Kahulugan, 16, kapwa naninirahan sa naturang bayan.

Positibong itinuro ni Hilda ang mga suspek na guma­hasa sa kanya sa loob ng banyo.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon na dakong alas-3:15 ng hapon, namataan ng mga suspek ang biktima na pu­masok sa loob ng comfort room na nag-iisa sa naturang plaza.

Bunga nito, sinamantala umano ng mga suspek ang pagkakataon at kaagad na­man tinutukan ng patalim ang biktima.

Tinangay ng mga suspek ang halagang P5,500 buhat sa biktima subalit hindi pa nakuntento si William, isina­gawa nito ang panggaga­hasa sa dalaga.

BARANGAY BA BARANGAY PANDENO HILDA LESTER ACEBUQUE RODNEY KAHULUGAN SHY SINILOAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with