^

Probinsiya

MTC kinondena ng CAAG

-

Mariing binatikos ng Citizen’s Anti-Crime Assistance Group (CAAG) ang pamunuan ng Maritime Training Council (MTC) dahil sa kapabayaan nitong ipatupad ang kautusan ng Malacanang na ipasara ang isang maritime foundation na nagbibigay ng pagsasanay sa mga marinong Pinoy. Ayon kay Roger Santos, pangulo ng CAAG, na patuloy pa rin ang operasyon ng maritime foundation kahit may kautusan ang Malacanang na nilagdaan ni Eduardo Ermita noong Agosto 3, 2007.Matatandaang kinuwestiyon ng PNTC Colleges sa Dasmariñas, Cavite, ang awtorisasyon ng maritime foundation sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga marino, subalit isinaisantabi ng MTC ang reklamo nito at inayunan pa ng Department of Labor and Employment ang nasabing desisyon. Bunga nito, iniakyat ng PNTC Colleges ang reklamo sa Malacañang at matapos ang masusing imbes­tigasyon ay binaligtad ng Office of the President ang mga naunang desisyon ng MTC at DOLE. Sinabi pa ni Santos na kapag patuloy na uupuan ng MTC ang pagpa­patupad sa kautusan ng Malacañang ay malalagay sa balag ng alanganin ang mga marinong Pinoy dahil mawa­walan ng saysay ang mga sertipiko na ibinigay ng nasabing foundation.. “Sa mga ganitong problema, marapat lamang  sa isang ahensya ng pamahalaan, tulad ng MTC na bigyang-daan ang tama, lalo na kung ang interes ng nakararami ay mapapahamak,” dagdag pa ni Santos.

vuukle comment

ANTI-CRIME ASSISTANCE GROUP

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EDUARDO ERMITA

MALACA

MALACANANG

MARITIME TRAINING COUNCIL

OFFICE OF THE PRESIDENT

PINOY

ROGER SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with