^

Probinsiya

‘Color coding’ sa mga bangka, ipatutupad

-
QUEZON – Hindi lamang sa mga sasakyan sa Metro Manila may "color coding" scheme, maging sa mga bankang pangisda sa lalawigan ng Quezon ay ipatutupad na rin ito upang mapigilan ang patuloy na ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Lamon at Tayabas Bay.

Ito ang napagkaisahan ng mga residente sa ginawang konsultasyon na inorganisa ni 2nd District Representative Procy Alcala na nilahukan ng mga mangingisda mula sa mga bayan ng Pagbilao, Sariaya at Lucena City, Quezon.

Layunin ng "color coding" scheme sa mga bangka na matukoy ang mga mangingisdang gumagamit ng ilegal na pamamaraan partikular na ang dinamita na lubhang nakakapinsala sa marine life.

Sa sistemang ito, maaari lamang pumalaot sa mga karagatang sakop ng kanilang bayan ang bangkang may itinakdang kulay at hindi maaaring pumasok at mangisda sa ibang municipal waters, batay na rin sa umiiral na batas.

Inirereklamo ng mga maliliit na mangingisda ang mga commercial fishing vessel na pumapasok sa Tayabas Bay na umaagaw sa kanilang kakarampot na nahuhuling isda.

Tiniyak ng solon na lalapatan ng solusyon ang hinaing ng mga maliliit na mangingisda upang ang ilegal na paraan ng pangingisda ay masawata sa nasabing karagatan. (Tony Sandoval)

vuukle comment

DISTRICT REPRESENTATIVE PROCY ALCALA

INIREREKLAMO

LAMON

LUCENA CITY

METRO MANILA

QUEZON

TAYABAS BAY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with