^

Probinsiya

Cavite, humakot ng karangalan sa pagnenegosyo

-
CAVITE – Humakot ng iba’t ibang karangalan mula sa loob at labas ng bansa ang Cavite dahil sa pagiging isa sa pinakamagandang lalawigan para sa pagnenegosyo.

Kabilang sa mga hinakot na karangalan ng Cavite ay mula sa Phil. Chamber of Commerce and Industry sa pamumuno ni Ambassador Donald Dee sa kategoryang Most Business-Friendly Local Government Unit.

Ang nasabing parangal ay iginawad kay Cavite Gov. Ayong S. Maliksi ni Vice President Noli De Castro sa ginanap na 32nd Phil. Business Conference sa Manila Hotel noong Oktubre 19. Tinanggap din ng Cavite ang 2006 Special Citation for Advocacy Initiatives at ang finalist ng Family Welfare Execellence Award at Beth Booth Awardee sa Trade Fair and Exhibit.

Naging 2nd place sa kategoryang Best Local Chamber Award sa katatapos na 21st Confederation of Asia-Pacific Chamber of Commerce and Industries Conference sa Taipei, Taiwan noong Oktubre 31.

"Ang mga karangalang nakamit ng Cavite ay magsisilbing inspirasyon sa aking nasasakupan upang ipagpatuloy ang kasalukuyang sigla ng pagnenegosyo at kooperatibismo. Sa sama-samang pagkilos at ang patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan ay mapapalago ang ekonomiya ng Cavite na magreresulta para tumaas ang antas ng kabuhayan ng mga Caviteño," pahayag ni Maliksi.

Patunay nito, kasalukuyang abala ang administrasyon ni Cavite Gov. Maliksi sa pag-oorganisa ng MSME Summit sa Nob. 14-15 sa General Trias Convention Center kung saan ay tatalakayin ang iba’t ibang kaalaman sa pagnenegosyo.

vuukle comment

ADVOCACY INITIATIVES

AMBASSADOR DONALD DEE

AYONG S

BEST LOCAL CHAMBER AWARD

BETH BOOTH AWARDEE

BUSINESS CONFERENCE

CAVITE

CAVITE GOV

CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with