^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ ng East West bank laglag sa CIDG

-
CABUYAO, Laguna – Dalawang security guard kabilang ang umano’y utak sa panghoholdap sa East West Bank at tumangay ng P5 milyon ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Calamba Police sa serye ng operasyon sa Pasay City at Calamba City kamakalawa ng hapon.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Randel Monarez, officer in-charge ng Blue Eagle Security Inc. at Peter Tagologon, ng Thunderbird Security Services.

Ayon kay Supt. Falviano Baltazar, hepe ng CIDG-Laguna, si Monares ang itinuturing na mastermind at nakatalaga bilang sekyu ng Waltermart Mall sa Brgy. Real, Calamba City.

Sinabi ni Baltazar na agad na nagtungo ang kanyang mga tauhan sa Domestic Airport sa NAIA, Pasay City matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Aviation Security Group (ASG) personnels na si Tagologon ay pasakay patungong Zamboanga City bitbit ang isang bag na naglalaman ng halagang P199,000 na parte nito sa ninakaw sa bangko.

Matapos na madakip si Tagologon, inamin nito sa interogasyon ang kanyang partisipasyon sa P5 robbery sa Calamba City at ikinanta ang mga pangalan ng kanyang mga kasamahan sa panghoholdap kabilang na si Monarez na siyang utak umano ng kanilang grupo. Nadakip din si Monarez sa isinagawang follow-up operation.

Nagsasagawa pa ng pursuit operation ang CIDG laban sa isa pang suspek na si Marvin Larola, ng Mamatid, Cabuyao at sekyu ng East West Bank na kasabwat ng mga suspek.

Magugunita na hinoldap ang isang sangay ng East West Bank sa crossing ng Calamba City ng apat na di-kilalang lalaki lulan ng motorsiklo noong Agosto 22, 2006.

Dalawa sa mga suspek ang pumasok sa loob ng bangko nang payagan ni Larola habang ang mga empleyado ay tahimik na nagtatrabaho. (Ed Amoroso)

vuukle comment

AVIATION SECURITY GROUP

BLUE EAGLE SECURITY INC

CALAMBA CITY

CALAMBA POLICE

CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DOMESTIC AIRPORT

EAST WEST BANK

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with