^

Probinsiya

2 obrero patay sa pinasabog na trak

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army ang hacienda na pag-aari ng pamilya Honasan sa Barangay Batuan, Ticao Island, Masbate kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Tristan Kison, hepe ng AFP-PIO, naunang niratrat ng mga rebelde ang isang detachment ng Police Regional Mobile Group sa Sitio Talaba, Barangay Burgos, San Jacinto, Masbate, may ilang metro lamang ang layo mula sa cell site ng Globe Telecom.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente matapos ang dalawang minutong putukan at habang papatakas ang mga rebelde ay niratrat naman ang bahagi ng hacienda na pag-aari ng pamilya Honasan na ikinasawi ng dalawang obrero na sina Palmarin Martinez at Dominico Delacasa.

Sa naunang ulat ng pulisya, ang dalawang napatay ay lulan ng truck ng baka mula sa loob ng Hacienda Batuan at patungo sana sa Maynila nang masabugan ng landmine at ratratin ng mga rebelde.

Lumilitaw sa magkahiwalay na ulat na ang nabanggit na hacienda ay pag-aari ng pamilya Resurrecion, samantalang sa ibang ulat, lumalabas na ang Hacienda Batuan ay pag-aari ni Bobby Honasan, pinsan ni dating Senador Gringo Honasan.

Pinaniniwalaan naman ng pulisya na may kaugnayan sa pagtangging magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde kaya pinasabog ang truck. Kaugnay nito, naglunsad na nang malawakang operasyon ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya laban sa mga rebeldeng NPA. (Joy Cantos at Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BATUAN

BARANGAY BURGOS

BOBBY HONASAN

DOMINICO DELACASA

ED CASULLA

GLOBE TELECOM

HACIENDA BATUAN

HONASAN

JOY CANTOS

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with