^

Probinsiya

Magkalaguyo dinedbol

-
NUEVA ECIJA — Matinding selos kaya nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang magkalaguyo ng manliligaw ng babae sa naganap na karahasan sa Barangay Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija noong Martes ng tanghali.

Sa ulat na ipinarating ni P/Senior Insp. Samuel Avila, officer-in-charge ng Rizal PNP kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, nakilala ang mga biktima na sina SPO1 Rolando Sebastian y Galope, 45, ng Barangay Paco Roman at si Aida Mendoza y Alfaro, 49, biyuda, ng naturang lugar.

Samantalang naaresto naman sa isinagawang manhunt operation ang suspek na si Rodolfo Mendoza y Labucay, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-12:45 ng tanghali noong Martes sa harapan ng tahanan ng babae matapos na salubungin ng suspek si SPO1 Sebastian kung saan paakyat ng hagdan.

Matapos bumulagta ni Sebastian, kinuha ng suspek ang service firearm ng pulis at pinatukan sa bibig si Aida na ikinasawi agad nito.

Napag-alamang hipag ng suspek ang babae at napaulat na masugid na manliligaw, subalit si SPO1 Sebastian ang pinakisamahan ni Aida.

May teorya ang pulisya na matinding panibugho ang umiral sa suspek kaya isinagawa ang krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AIDA

AIDA MENDOZA

ALEX PAUL MONTEAGUDO

BARANGAY PACO ROMAN

BARANGAY POBLACION SUR

CHRISTIAN RYAN STA

NUEVA ECIJA

RIZAL

RODOLFO MENDOZA

SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with