^

Probinsiya

Binata uminom ng pesticide, patay

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Dahil sa pagpapakasal ng girlfriend sa ibang lalaki, isang binata ang hindi matanggap ang kanyang kabiguan na naging dahilan ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide kamakalawa sa Brgy. Sta. Cruz, Lubao ng lalawigang ito.

Kinilala ni Police Supt. Edwin Mangaliman, hepe ng Lubao Police Station ang biktima na si Fernan Salian, 26, tubong-Sto. Niño sa Davao City at stay-in worker sa Quinto Farm Line sa naturang lugar.

Si Salian ay nagtitinda ng mga pang-agrikulturang mga gamot o pesticide tulad ng cyanide at marami pa.

Huling nakita ang biktima sa mismong lugar na kung saan ay nakitaan ng matinding kalungkutan sa mukha matapos ang ginawang pagpapakasal ng kanyang girlfriend na hindi na nabanggit ang pangalan sa ibang lalaki na kapitbahay lamang nito.

Nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima nang hanapin siya ng kanyang amo na nagtataka kung bakit tanghali na ay wala pa ito sa mismong tindahan ng mga gamot nila doon.

Dahil dito, agad na tinungo ang kuwarto ng biktima at laking mangha ng amo nang makitang nakahandusay ito at bumubula ang bibig nito bunga ng pag-inom nito ng pesticide.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, walang nakitang "foul play" sa insidente. (Resty Salvador)

vuukle comment

BRGY

DAHIL

DAVAO CITY

EDWIN MANGALIMAN

FERNAN SALIAN

LUBAO POLICE STATION

POLICE SUPT

QUINTO FARM LINE

RESTY SALVADOR

SI SALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with