^

Probinsiya

Bata dedo sa killer bus

-
Pagbilao, Quezon – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 10 anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mabundol ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Pinagbayanan, sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang si Lorenzo Ayapana habang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus na si Rodel Mascariñas, 35 anyos.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Bandy Perez, dakong alas-10 ng umaga habang minamaneho ni Mascariñas ang isang Barney bus na may plakang DVN-644 na patungong Guinyangan, Quezon ng maganap ang insidente.

Bigla na lamang umanong tumawid ang biktima kung kaya hindi na nakapagpreno si Mascariñas na tuluy-tuloy na nabundol ang paslit na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BANDY PEREZ

BIGLA

BRGY

GUINYANGAN

LORENZO AYAPANA

MAHARLIKA

MASCARI

QUEZON

RODEL MASCARI

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with