^

Probinsiya

Estudyante napatay ng kaibigan

-
CAVITE – Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napatay ang isang 18-anyos na estudyanteng lalaki ng kanyang kaibigang tinedyer matapos na tamaan ng bala ng sumpak habang nagkukuwentuhan ang dalawa sa bahagi ng Barangay San Luis sa bayan ng Dasmariñas, Cavite, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Oscar Teruel, 3rd year high school, samantalang arestado naman ang suspek na itinago sa pangalang Romy, 17, na kapwa residente ng Block C1 sa nabanggit na barangay. Sa pagsisiyasat ni PO3 Valero Bueno, magkaharap na nagkukuwentuhan ang magkaibigan habang hawak ng suspek ang sumpak at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakalabit nito ang baril na tumama naman sa biktima. (Cristina Timbang)
2-Sundalo Inararo Ng Trak
QUEZON – Dalawang kawal ng Philippine Army ang sinuwag ng trak na ikinasawi ng isa habang kritikal naman ang kasamahan nito sa naganap na road mishap sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Taengon sa Barangay Kawayan sa bayan ng San Francisco, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng maselang pinsala sa katawan ang nasawing biktima na si Army Pvt. Allan Lajas, 26, samantalang ginagamot naman sa Quezon Memorial Hospital si 2Lt. Joshua Lim, 21, platoon leader at kapwa nakatalaga sa Delta Coy ng 74th Infantry Battalion. Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang drayber ng trak na si Reynaldo Buela. Ayon kay SPO1 Primitivo Reyes, magkaangkas ang dalawang kawal sa motorsiklo nang makasalubong ang trak na pag-aari ni Jose Tan sa kahabaan ng nabanggit na highway. May posibilidad na nawalan ng preno ang trak kaya naganap ang sakuna. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ALLAN LAJAS

ARMY PVT

BARANGAY KAWAYAN

BARANGAY SAN LUIS

CRISTINA TIMBANG

DELTA COY

INFANTRY BATTALION

JOSE TAN

JOSHUA LIM

OSCAR TERUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with