^

Probinsiya

Ina kritikal sa ligaw na bala

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Sinalo ng isang biyudang ginang ang bala para sa kaniyang anak nang barilin ng kaaway nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ilaya, Balud, Masbate.

Nakikipagbuno ngayon kay kamatayan sa Balud Municipal Hospital ang biktimang si Luzviminda Dalinog, 56, biyuda at residente ng naturang lugar.

Agad namang nasakote ng mga awtoridad ang suspek na si Charlie Rosete, 40, may asawa at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas- 7 ng gabi habang ang biktima at anak nito ay nagkukuwentuhan sa labas ng kanilang bahay.

Bigla na lamang umanong sumulpot sa lugar ang suspek na armado ng shotgun na ipinuntirya ng putok sa anak subali’t mabilis itong sinangga ng kaniyang ina.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong sa Balud Municipal Police Station (MPS) ang suspek. (Ed Casulla)

vuukle comment

BALUD

BALUD MUNICIPAL HOSPITAL

BALUD MUNICIPAL POLICE STATION

BATAY

BIGLA

BRGY

CHARLIE ROSETE

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

LUZVIMINDA DALINOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with