^

Probinsiya

Sekyu patay, 1 pa malubha sa van

-
NUEVA VIZCAYA Isang security guard ang nasawi habang isa pa ang kasalukuyang nakikipag-agawan sa kamatayan matapos na aksidenteng bungguin ng isang rumaragasang van kamakalawa ng gabi sa Solano, lalawigang ito.

Ayon kay P/Chief Insp. Francisco Palattao Jr., agad na binawian ng buhay ang biktima na si Walter Aquino, habang ang kanyang kaibigan na nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang si Wilbert Cortez, isang driver at kapwa residente ng Brgy. Paniki, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Solano PNP, naganap ang insidente bandang alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng national highway ng Solano habang ang magkaibigan ay tumatawid sa nasabing kalsada.

Huli na nang mapansin ng driver ng Pregio van (RBW-151) na si Angelito Lopez, ng District 1 Poblacion, San Mateo, Isabela ang dalawang biktima kung kaya nasapol niya ang mga ito at tumilapon.

Matapos na isugod sa Veterans Regional Hospital ang mga biktima, agad na idineklara ng mga manggagamot na dead-on-arrival si Aquino habang inoobserbahan ng mga manggagamot ang kondisyon ng kanyang kaibigan na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Si Lopez ay kusa namang sumuko sa pulisya matapos ang nasabing aksidente. (Victor Martin/Charlie Lagasca)

vuukle comment

ANGELITO LOPEZ

CHARLIE LAGASCA

CHIEF INSP

FRANCISCO PALATTAO JR.

NUEVA VIZCAYA

SAN MATEO

SI LOPEZ

VETERANS REGIONAL HOSPITAL

VICTOR MARTIN

WALTER AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with