^

Probinsiya

Pulis nagsaksak sa sarili, kritikal

-
Bangued, Abra – Isang pulis ang malubhang nasugatan matapos itong magsaksak sa sarili dahilan sa pagkaburyong o matinding homesick nang idestino sa magulong lugar sa bayang ito.

Sinabi ni Sr. Supt. Danilo Empedrad, PNP Director ng Abra, ang biktimang pulis ay galing sa Kalinga nguni’t pansamantalang ’di muna ibinunyag ang pangalan nito.

Ayon kay Empedrad, agad niyang ipinadala sa isang hospital ang naturang pulis na may ranggong PO2 na nagtamo ng malubhang sugat sa tiyan.

Nabatid na ang naturang pulis ay nadestino dito matapos na mapatalsik lahat ang kabuuang 529 puwersa ng Abra Provincial Police Office (PPO) sanhi ng akusasyong nagpapagamit ang mga ito bilang mga Private Armed Groups (PAGS) o goons ng mga pulitiko.

Samantalang pansamantala namang ipinalit sa nasabing mga pulis ay ang mga dating nakadestino sa iba’t-ibang lalawigan ng Cordillera Region at Baguio City para mangalaga sa kaayusan at katahimikan sa Abra.

Ayon naman kay Empedrad, naging epektibo naman ang mga pulis na ito dahilan sa kanilang sunud-sunod na operasyon laban sa mga pulitikong nagmamantine ng mga goons bagaman marami ang na-homesick. (Myds Supnad )

vuukle comment

ABRA

ABRA PROVINCIAL POLICE OFFICE

AYON

BAGUIO CITY

CORDILLERA REGION

DANILO EMPEDRAD

EMPEDRAD

MYDS SUPNAD

PRIVATE ARMED GROUPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with