^

Probinsiya

Estudyante na nagka-STD nagbigti

-
LUCENA CITY, Quezon — May posibilidad na natakot sa kahihiyang idudulot na nagkatulo ang isang 21-anyos na estudyante kaya nagdesisyong magbigti sa punong aratiris kamakalawa sa Saint Jude Phase 2, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Bandang alas-singko ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Richard P. Labasan, 21, estudyante ng Enverga University at residente ng nabanggit na barangay.

Base sa impormasyong nakalap ni P/Supt. Conrado Capa, police chief, natagpuan din ang isang suicide note na humihingi ng tawad ang biktima sa kanyang mga magulang, kamag-anakan at kaibigan sa ginawang pagpapakamatay.

Nakasaad din sa suicide note na kailangang pumunta sa burol ang mga kaibigan at mahal nito sa buhay, kung hindi ay mumultuhin niya ang mga ito.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Marcelino Uy, na naging mabigat para sa biktima na makarating sa kanyang mga mahal sa buhay na nagkatulo siya kaya minabuting kitilin ang buhay. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

vuukle comment

AYON

BARANGAY IBABANG DUPAY

CELINE TUTOR

CONRADO CAPA

ENVERGA UNIVERSITY

LUCENA CITY

MARCELINO UY

RICHARD P

SAINT JUDE PHASE

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with