^

Probinsiya

Mag-syota tinodas ng pulis

-
CAMP CRAME – Isang magkasintahan ang pinagbabaril at napatay ng isang pulis dahilan sa matinding obsesyon sa nambasted na dalagang biktima sa naganap na madugong insidente sa isang cottage sa Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa.

Kapwa namatay sa pagamutan ang mga biktimang sina Rodel Patoc, 37 at girlfriend nitong si January Autriz, 32 matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng ’di pa mabatid na kalibre ng baril.

Nahaharap naman ngayon sa kasong double murder at posibleng pagkakadismis sa serbisyo ang suspek na si PO3 Cesar Manuel, nakatalaga sa San Nicolas Municipal Police.

Base sa ulat, naganap ang pamamaslang sa Kimpo’y Cottage sa Barangay 1 San Joaquin, Sarrat, Ilocos Norte dakong alas-2 ng hapon.

Nabatid na si Manuel ay binasted ni Autriz dahil kasintahan na nito si Patoc bagay na ’di matanggap ng suspek.

Nang mabatid ng suspek na nag-check-in sa cottage ang makasintahan ay galit itong sumugod bitbit ang baril at binalya ang pintuan habang pilit na pinalalabas si Patoc.

Napilitan namang lumabas si Patoc at dito’y nagkaroon nang mainitang pagtatalo hanggang sa awatin ang mga ito ni January.

Nagdilim umano ang isip ni Manuel nang paulit-ulit na sabihin ng umiiyak na dalaga na wala na itong pag-ibig sa kanya dahil si Patoc na ang kanyang minamahal, kaya’t biglang binunot ng suspek ang kanyang baril at pinagbabaril ang magkasintahan na kapwa duguang bumulagta.

Bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ang magkasintahan ay nabigo na ang pagtatangka na isalba ang buhay ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CESAR MANUEL

ILOCOS NORTE

JANUARY AUTRIZ

JOY CANTOS

MANUEL

PATOC

RODEL PATOC

SAN JOAQUIN

SAN NICOLAS MUNICIPAL POLICE

SARRAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with